Replektibong Sanaysay#6: Panitikan sa Kasalukuyang Panahon

Sa kasalukuyang panahon na kung kailan talamak ang paggamit ng internet ay siyang naging daan rin upang mas lalong maipalaganap ang mga panitikang gawa ng Pinoy sa loob at labas ng bansa. Elektronikong kagamitan, gaano nga ba kapaki-pakinabang ito sa pagpapaunlad ng naiibang anyo ng panitikan sa panahon ng pagbabago? Hindi ba naaapakan nito ang…

Replektibong Sanaysay#5: Panitikan sa Panahon ng Batas Militar

Ang namalasak naman sa panahong ito ay ang dula ng Panitikang Pilipino. Naging masigla ang pagtatanghal sapagkat sinuportahan ito ng Unang Ginang na si Imelda Marcos.Ipinatayo niya ang Cultural Center of the Philippines. Sinimulan rin ang pagsalin sa Pilipino ng mga klasikong Opera.Ngunit hindi maikukubli na naging mahigpit sa nilalaman ng mga akda ang administrasyon….

Replektibong Sanaysay#4: Panitikan sa Panahon ng Kasarinlan at Aktibismo

Sa Panahon ng Kasarinlan naging masalimoot ang naranasan ng mga Pilipino buhat sa mga naganap noong nagdaang sigwa.Kaya ang mga namalasak na paksa sa katha ay tungkol sa hirap na dinanas mula sa mga nanakop sa bansang Pilipinas. Nagkaroon ng kalayaan ang Pilipinas sa bansang Hapon ngunit kung susuriin hindi pa masasabing tunay na malaya…

Replektibong Sanaysay#3: Panitikan sa Panahon ng Amerikano

Sa panahong ito, isa sa mga namalasak sa larangan ng akdang pampanitikan ay ang dula na sinuportahan ng anyo ng pagtatanghal na tinatawag na bodabil mula sa orihinal na pangalan nito na “Vaudeville”. Ang bodabil ay isang uri ng pagtatanghal na hinaluan ng samu’t saring libangan na nagaganap sa entablado. Noong 1920, isang Pilipinong mantatanghal…

Replektibong Sanaysay #2: Panitikan sa Panahon ng Kastila

Sa panahon ng Kastila isa sa mga nabigyang tuon ay ang paksa ng mga akdang panitikan sa panahon ng pananakop. Isa sa mga paksa ay ang katiwalian ng mga Kastila sa pamamahala sa bansang Pilipinas. Binigyang diin ito ni Dr. Jose Rizal sa kanyang mga isinulat na akdang pampanitikan. Ang kanyang isinulat na dalawang nobela…

Replektibong Sanaysay#1: Matandang Panahon ng Panitikan

Batay sa pag-uulat tungkol sa panitikan ng Matandang Panahon naunawaan kong ang mga katutubong Pilipino ay may kakayahan ng makalikha ng sariling panitikan. Ang susulatan ko ng repleksyon ay ang bahagi na kung saan binigyang diin ang paggamit ng Baybayin bilang simbolo sa pagsulat ng panitikan. Sa dami ng panitikang naisulat sa Baybayin kahit isa…

Lokal na Akdang Pampanitikan: “Ang Alamat ng Pantukan”

Isang akdang pampanitikan na orihinal na isinulat sa lungsod ng Pantukan,Barangay Kingking ay ang alamat kung saan nagmula ang lugar na ito. Ito ay orihinal na nakapaloob sa mga dokumento ng pamahalaan sa Pantukan. Noong unang panahon sa malayong kaharian ay may isang Datu na nagngangalang Pan. Si Datu Pan ay may dalawang anak na…